isinukbit sa pitaka ng langit
ang mga nagwawaldas
na bituin
nagsasabog ng lagim
sa kabalintunaan
ng malilibog na takipsilim,
habang ang mga
gamo gamo'y
nakikipagkadyutan sa alikabok,
at ang hangin ay
isang hudyat
ng
bagong simula,
kung paano ang incest
ay nagaganap
sa pagitan ng mga meteora
na nagpapaputok
ng isang libong tula't tamod,
at ang mga alitaptap
ay
nagmistulang shooting
star
na sabik
at pilit lumipad
ng mataas na mataas
para abutin
ang aking
Mariposa
!
ang babaeng paro paro
na niligawan ni neptuno
at
kumulinggus kay venus
ngunit sa huli
ako lamang ang
hinihintay niya,
sapagkat
ako ay ang kanyang
alipin,
at siya ang aking Reyna
sa piling ng
impotent na buwan,
sa naglalabas ng gatas
na utong
ng sanlibutan.